Nasa higit pitong daan na bakanteng trabaho ang naghihintay na mapunan ng mga nais na mag-apply sa isinasagawa ngayong Special Recruitment Activity sa Mangaldan.
Simula ngayong araw hanggang bukas, April 8, ang naturang recruitment activity kung saan alok ang iba’t-ibang trabaho sa mga job seekers.
Abot sa 720 overseas job vacancies na may kinalaman sa household services at domestic helpers sa Qatar, Saudi Arabia, Jordan, Bahrain, at Abu Dhabi ang maaaring pasukin ng mga residente.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng karagdagang oportunidad ang publiko para sa mga nangangailangan ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments