Higit 700 centenarians, nakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa DSWD

Umabot na sa higit 700 centenarians ang nakatanggap ng kanilang cash reward na nasa ₱100,000.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016, ang mga centenarians na nakatira sa Pilipinas o abroad ay mabibigyan ng cash incentive at makatatanggap din ng Letter of Felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas kung saan binibigyan sila ng pagbati dahil sa mahaba nilang buhay.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula nitong September 14, aabot sa 709 centenarians ang nakatanggap na ng cash gift.


Mula 2016 hanggang 2019, aabot na sa 5,609 centenarians sa bansa ang nakatanggap ng cash gift na nagkakahalaga sa kabuoang ₱560.9 million.

Ang DSWD ay nagpatutupad ng house-to-house delivery scheme para sa cash gifts na nakalaan para sa centenarians bunga rin ng kanilang kalusugan at limitasyon.

Nanawagan ang DSWD sa publiko at pribadong sektor na magtulungan para i-promote at protektahan ang interes at kapakanan ng mga matatanda ksasabay ng pagdiriwang ng 26th Elderly Filipino Week mula October 1 hanggang 7.

Suportado rin ng kagawaran ang pagpasa sa Anti-Elder Abuse Bill na magpaparusa sa mga pang-aabusong ginawa aban sa mga senior citizen.

Ang tema ngayong taon ay “Healthy and Productive Aging Starts with Me,” na layong isulong ang health, wellness at productivity ng mga senior citizens lalo na ngayong pandemya.

Facebook Comments