Higit 700 hectares ng sakahan, posibleng masira dahil sa bagyong Crising —DA

Tinatayang abot sa higit pitong daang libong ektarya ng taniman ang posibleng maapektuhan ng Bagyong Crising.

Ayon kay Agriculture Asec. Arnel de Mesa, batay sa initial analysis ng kanilang regional offices, karamihan sa mga posibleng maapektuhan ay mga taniman ng palay na nasa vegetative stage.

Aabot sa 742,000 ektarya ng mga taniman sa Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Western Visayas ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA).

Pinayuhan ni Asec. De Mesa sa mga magsasaka na tumalima sa mga weather advisory at irehistro ang kanilang mga palayan, para sakaling maapektuhan man ng bagyo, ay mas mapabilis ang recovery efforts ng mga local government unit (LGU) kabilang na ang pamamahagi ng binhi, pataba, at gamot, lalo na kung may maaapektuhang mga alagang hayop.

Facebook Comments