Higit 700 HEIs, nagsimula na ang klase, ayon sa CHED

Nakapagsimula na ng klase ngayong buwan ang 731 mula sa 2,400 Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa.

Ito ang pinakabagong update na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, nasa 186 HEIs ang nakatakdang magbukas ng kanilang klase sa Setyembre at Oktubre.


Una nang nagbukas ng klase ang 20 private HEIs nitong Hunyo at Hulyo at karamihan sa mga unibersidad ay nag-adopt na sa full online learning system.

Paliwanag ni De Vera, ang pagbubukas ng klase ay nakabatay sa education delivery mode at pagsunod sa minimum health protocols at sitwasyon sa kanilang lugar.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang CHED sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) at iba pang HEIs sa pagbuo ng guidelines para sa limited face-to-face classes.

Facebook Comments