Higit 700 Katao sa Region 2, Tinamaan ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mahigit 700 na panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of April 20, 2021, umaabot sa 776 ang bagong tinamaan ng COVID-19 na naitala mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.

Habang mayroon namang 645 na naitalang gumaling at sampu (10) ang namatay.


Tumaas naman sa 21,053 ang bilang gumaling sa COVID-19 sa rehiyon habang sumampa sa 459 ang kabuuang bilang ng nasawi na may kaugnayan sa Covid.

Sa kasalukuyan, nasa 5,826 pa ang bilang ng aktibong kaso sa rehiyon mula sa 27,348 na total confirmed cases.

Facebook Comments