Aabot sa 784 local chief executives ang naghayag ng suporta sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binubuo ito ng 43 governors, 68 city mayors, at 673 municipal mayors.
Ang impormasyong ito ay natanggap niya mula kay Interior Secretary Eduardo Año.
Nagpapasalamat ang Palasyo sa mga sumuporta at tiniyak na babasahing mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.
Ang Anti-Terrorism Bill ay ipinasa sa Malacañang noong June 9, 2020 para sa final review at decision.
Kaugnay nito, inatasan ng Palasyo ang Department of Justice (DOJ) na magsumite ng independent review hinggil dito ngayong araw, June 17, 2020.
Si Pangulong Duterte ay mayroong 30 araw para aprubahan o ibasura ang Anti-Terrorism Bill na una niyang sinertipikahan bilang urgent bill.