Higit 700 na centenarians, hindi pa rin natatanggap ang kanilang cash gift ayon sa DSWD

Aabot sa 704 centenarians o mga taong nasa 100 taong gulang pataas na ang naghihintay pa rin ng kanilang 100,000 pisong cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang kinumpirma ni DSWD Director for Program Management Bureau Maricel Deloria sa pagdinig ng House Special Committee on Senior Citizens orgtanizational meeting.

Ayon kay Deloria, kasama na kasi rito ang mga na-waitlist pa noong nakaraang taon kaya nagkaroon ng ripple effect dahilan para lumobo sa 704 ang centenarian beneficiaries.


Apat na reiyon ang nakapagtala ng maraming centenarians kung saan nasa 120 beneficiaries na ito ay mula sa Ilocos Region, 116 sa Western Visayas, 110 sa Central Visayas at 45 naman sa National Capital Region.

Sa ilalim ng batas, makakatanggap ng 100,000 pesos na centennial gift ang mga senior citizens na aabot sa edad na 100 at isang liham mula sa Pangulo na nagbubugayt sa mahabang buhay nito.

Facebook Comments