Umaabot sa 702 basketball players ang nag-apply sa kauna-unahang Women’s National Basketball League (WNBL) draft.
Ayon kay WNBL Executive Vice President Rhose Monteal, ang mga nasabing aplikante ay mula sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan maging ang ilang Filipina basketball player sa abroad ay sumali rin sa draft para sa unang Women’s Professional Basketball League
Ang bilang ng mga aplikante ay mababawasan matapos na ma-evaluate ang kanilang mga credentials at ang ilang babaeng basketball players na nasa edad 21-anyos pababa ay hindi papayagan makasama sa draft.
Ang huling listahan naman ng mga nakasali sa WNBL draft combine via online habang ang draft lottery ay gaganapin sa October 18, 2020.
Facebook Comments