Ipinakalat ng Pangasinan Police Provincial Office ang higit 700 kawani nito sa lalawigan ng Pangasinan upang TIYAKIN ang seguridad ng publiko sa pagsalubong sa Bagong taon.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Officer PangPPO Provincial Director, PCol Rollyfer Capoquian, naka heightened alert status ang kapulisan noon pang December 15 upang matiyak ang seguridad sa probinsya.
Aniya, wala naman silang umanong namomonitor na anomang banta sa seguridad ng publiko.
Sa kabilang banda, patuloy ang kanilang pagpapatrolya maging ng pagbabantay sa mga matataong lugar tulad ng mga bus terminals, simbahan at iba pang mga pook pasyalan.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa ibang security forces.
Payo ng pulisya, huwag mag-atubiling sumangguni sa kanila sakaling makaranas ng anumang pananamantala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨