Higit 7,000 na magsasaka, nakabili na ng P20 na kada kilo ng bigas —DA

Pumalo na sa mahigit 7,000 na magsasaka ang nakabili ng P20 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron o BBM Na” program ng Department of Agriculture o DA.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, tinangkilik ng mga magsasaka ang murang bigas na ibinebenta sa mga National Food Authority (NFA) warehouse.

Partikular na rito ang Cordillera Administrative Region o CAR, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Mula naman sa inisyal na 18 NFA warehouses sa Cordillera, nakahanda na rin aniya ang 20 pang bodega ng NFA para sa mas malawak na pagpapatupad ng programa.

Sa datos ng DA, nasa 70 tonelada o katumbas ng 70,000 kilo ng bigas na ang agad naibenta sa mga magsasaka.

Facebook Comments