Higit 70,000 kaso ng dengue, naitala ng DOH mula Enero

Mula Enero a-uno hanggang nitong Mayo a-onse pumalo na sa 74,273 na kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DOH).

Sa nasabing bilang, 312 na rito ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Karamihan sa mga apektado ng sakit ay may edad 5 hanggang 9.


Pinakamaraming naitalang kaso ng dengue sa Calabarzon na may 8,150 na kaso.

Sumunod ang Central Visayas na may 7,718 na kaso at Western Visayas na may 6,671 cases.

Nasa 6,116 na kaso naman ang naitala sa National Capital Region habang 5,723 na kaso sa Northern Mindanao.

Facebook Comments