Sisilipin ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) kung sumunod ang mga Local Government Unit (LGU) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang kanilang mga kalsada.
Ito’y kasabay ng nalalapit na deadline para sa Road Clearing Operations.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, naghahanda na ang validation team na tutukoy kung sumunod ba ang mga ito sa direktiba.
Iba’t-ibang kategorya ang titingnan ng dilg kung naging epektibo ang mga operasyon ng mga LGU.
Kabilang na rito ang pagpapatupad ng ordinansang nagbabawal sa ilegal obstructions.
Pangalawa ay ang pagkakaroon ng task force sa pagpapatupad nito.
Ang pangatlo ay ang mga programang para sa maayos na paglilipatan ng mga naapektuhan.
At panghuli ay ang rehabilitasyon ng mga ginibang istraktura.
Giit ni Malaya, seryoso sila sa 60 day deadline.
Sa ngayon, nasa 55.5% sa mga LGU ang nakapagsumite na ng report sa DILG habang nasa higit 70,000 obstructions na ang naialis sa buong bansa.