Umaabot sa 72,683 na pasahero sa buong bansa ang naitalang bumiyahe kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 36,123 ang mga outbound passenger habang 36,560 ang mga inbound passenger.
Kabilang na rito ang 11,127 na bilang ng mga pasahero na dumating sa Batangas Port para bumalik ng Maynila.
Sa bilang na ito, pawang nanggaling sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro.
Patuloy pa ring naka-heightened alert ang lahat ng mga district at substation ng PCG sa buong bansa para umalalay sa mga manlalakbay na babalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Umaabot naman sa 2,933 ang mga ipinakalat na tauhan ng PCG sa lahat ng pantalan sa buong bansa habang nasa 379 vessels at 558 motorbancas ang kanilang na-inspection bago pinayagan bumiyahe.