Higit 700,000 bata, apektado ng Bagyong Rolly -UNICEF

Aabot sa higit 700,000 bata ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Sa datos mula sa United Nation’s Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA) at United Nations Children’s Fund (UNICEF), nasa 68.8 million na indibiduwal ang apektado, kung saan 24.3 million ang nakatira sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo.

Nasa 724,000 na bata na nakatira sa worst hit areas ang apektado.


Nangangamba ang UNICEF na karamihan sa mga bata at kanilang pamilya ay mataas ang tiyansang ma-expose sa COVID-19 at iba pang sakit dahil sila ay nagsisiksikan sa evacuation centers.

Iginiit ng UNICEF na ang mga bata ang pinaka-bulnerable sa anumang sakuna.

Katuwang ang iba’t ibang partners, handa ang UNICEF na tumulong sa national at local governments sa lahat ng sektor.

Facebook Comments