Higit 700,000-pesos na halaga ng mga paputok, nasabat ng otoridad sa Metro Manila

Aabot sa mahigit P700,000 halaga ng paputok ang nasabat ng mga otoridad sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa Pasig City, kinumpirma ni Mayor Vico Sotto na nasa P200,000 halaga ng paputok ang kanilang nakumpiska.

Habang sa isinagawang ceremonial destruction ng Southern Police District sa mga paputok na nakumpiska sa Pasay, Makati, Las Piñas, at Muntinlupa, sinabing halos pumalo ang halaga nito sa P500,000.


Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, nasa 50 ang naiulat na fireworks-related injuries mula Dec. 21, 2020 hanggang Jan. 1, 2021.

Sa nasabing bilang 49 rito ang fireworks-related at isa ang tinamaan ng ligaw na bala.

Facebook Comments