Higit 71% ng target population ng bansa, partially vaccinated na

66

Pumalo na sa 71.84% ng target population ng bansa ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Katumbas ito ng 55,415,753 partially vaccinated individuals hanggang noong Miyerkules, December 1.

Sa nasabing bilang, 36,869,419 na ang fully vaccinated.


Batay pa sa datos ng National Task Force Against COVID-19, naitala ang pinakamataas na vaccination coverage sa Metro Manila kung saan 112.16% ng target population nito ang naturukan na ng first dose.

Anim na rehiyon naman ang naabot na ang 70% ng kanilang target population kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Northern Mindanao.

Facebook Comments