Higit 74 bilyong pisong SAP 2 aid, naipamahagi sa 12.51 million beneficiaries, ayon sa DSWD

Aabot sa 12.5 million family-beneficiaries na ang naabutan ng emergency cash subsidy sa ilalim ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Nabatid na target ng DSWD na makumpleto ang SAP 2 distribution noong August 15, 2020.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa P74.5 bilyon na halaga ng cash assistance ang naipamahagi sa 12,517,388 beneficiaries.


Katumbas ito ng 88.7% ng kabuuang target na 14.1 million recipients para sa SAP 2.

Sakop ng SAP 2 ang Central Luzon, maliban sa Aurora Province, Metro Manila, CALABARZON, Benguet, Pangasina, Iloilo, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay Province at Zamboanga City.

Pagtitiyak ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, patuloy ang pagpapatupad ng SAP at ang kanilang regular pro-poor programs sa kabila ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa kanilang mga tauhan.

Ang DSWD ay nakapagtala na ng 160 confirmed cases ng COVID-19, 57 ang gumaling at isa ang namatay.

Facebook Comments