Higit 7,500 trabaho, alok sa 1st Philippine Tourism Jobs Fair ngayong buwan

Kabuuang 7,510 trabaho ang iaalok sa first leg ng kauna-unahang Philippine Tourism Jobs Fair ngayong Setyembre.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, bukas na ang pre-registration para sa Trabaho, Turismo, Asenso! Jobs fair para sa mga naghahanap ng trabaho sa Metro Manila, Cebu at Davao City.

Ang Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair ay ang flagship employment program ng Department of Tourism (DOT) at ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Isasagawa ang job fair sa Metro Manila mula September 22 hanggang 24 sa SMX Convention Center sa Pasay City habang sa September 22 to 23 naman sa SM City Cebu at Abreeza Mall Davao.

Nasa 147 kompanya ang lalahok sa unang bugso ng job expo.

Facebook Comments