Higit 75,000 OFWs, napauwi na sa mga home provinces ayon kay Sec. Lorenzana

Napauwi na ng Pamahalaan sa mga home provinces ang higit 75,000 Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa public briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aabot sa 75,895 overseas Filipinos ang naibalik na sa mga probinsya.

Sinabi rin ni Lorenzana na nagpapatuloy ang repatriation ng nasa 5,000 Pilipinong nasa Sabah, Malaysia.


Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 400,000 OFWs ang nawalan ng trabaho abroad bunga ng pandemya.

Ang Pamahalaan ay nagbibigay ng one-time ₱10,000 assistance sa mga displaced at returning OFWs.

Facebook Comments