Umabot na sa higit 75,000 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Bising.
Batay sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa 75,448 families o 302,564 individiuals sa 1,030 barangays sa Cagayan Valley, Bicol, Eastern Visayas, at Caraga ang apektado ng bagyo.
Nasa 2,870 families o 12,228 individuals ang nananatili sa evacuation centers sa apat na rehiyon, habang nasa 4,479 families o 17,779 individuals ang nananatili sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Pagtitiyak ng DSWD na may sapat silang relief supplies para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.
Samantala, aabot na sa 19,168 distressed individuals ang nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Nasa ₱191.5 million ang naipamahagi sa mga benepisyaryo at karamihan ay mula sa National Capital Region (NCR).