Higit 76,000 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa US sa loob lamang ng isang araw

Nakapagtala ng 76,570 panibagong kaso ng COVID-19 ang United States sa loob lamang ng 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa 4,038,863 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, na nangunguna pa rin sa pinakamaraming kaso ng virus sa buong mundo.

Nadagdagan naman ng 1,255 ang mga nasawi na sumampa na sa 144,305.


Ilan sa mga estado sa Amerika na nakitaan ng mabilis na pagtaas ng kaso ay ang
Southern at Western States sa Texas, California, Alabama, Idaho at Florida.

Samantala, itinanggi naman ng bilyonaryong si Bill Gates ang mga akusasyong siya ang nagpasimula ng pagkalat ng COVID-19 virus sa buong mundo.

Giit ni Gates, mas abala ang kaniyang foundation sa pag-donate ng pondo para sa pagtulong na makadiskubre at makabili ng bakuna kaya wala siyang panahon para rito.

Facebook Comments