Napailawan nang muli ang limampung barangay mula sa kabuuang pitumpu’t pitong barangay sa Bayambang matapos patumbahin ng Bagyong Uwan ang suplay ng kuryente.
Base sa datos ng alkalde, katumbas ng 77.50 porsyento ng bayan ang may kuryente na mula noong gabi ng Martes, November 11.
Kinakailangan umanong umayon sa protocol ang pagsasaayos ng linya mula sa linya sa mga backbone o feeder kasunod ang mga linya patungo sa mga barangay at panghuli ang mga service wires sa mga kabahayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, 24/7 ang operasyon ng electric service provider katuwang ang mga kawani at kagamitan mula sa bayan dahil sa limitadong bilang ng linemen para sumapat sa lawak ng pinsala upang agad maaksyonan ang pangangailangan sa kuryente.
Simula Lunes, nagsilbing charging stations ang mga barangay hall dahil sa generator set na bahagi ng kanilang disaster preparedness plan.
Sa kabila nito, patuloy ang koordinasyon ng mga ahensya upang tuluyan nang mapailawan ang mga apektadong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









