HIGIT 78K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT SA ROSALES

Nasabat ng hanay ng pulisya at PDEA RO1 sa isang buy bust operation ang nasa higit 78,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa Rosales, Pangasinan.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang 43 anyos na tricycle driver o kilala sa alyas, “Botobot”.

Narekober sa suspek ang nasa 11.56 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa 78, 608 pesos.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek at mga ebidensyang nakalap sa operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments