Umabot na sa mahigit 7,000 katao na kabilang sa expanded A1 eligible group o pamilya ng mga medical frontliners at outbound overseas filipino workers ang nabakunahan na ng COVID-19 Vaccine sa Ilocos Region.
Matatandaan na naglabas ng guidelines ang IATF sa pagpapabilang sa mga ito sa A1 eligible group bilang proteksyon sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, spokesperson ng Department of Health, Center for Health Development Region 1 sa A1 Category nasa 144, 813 na indibidwal na ang naturukan ng bakuna o katumbas ng 96. 78 percent at malapit na umanong makuha ang 100%.
Umabot naman na sa 79, 246 ang fully vaccinated na indibidwal mula sa apat na probinsya ng rehiyon.
Samantala, sa pagdating ng iba’t-ibang klase ng bakuna sa rehiyon, iginiit ni Bobis na pinapairal ng kagawaran ang brand agnostic policy sapagkat lahat umano nito ay nagbibigay ng 100% immunity laban sa nakakahawang sakit.