Higit 7K na trabaho, malilikha sa tatlong bagong ecozones —Malacañang

Mahigit 7,200 bagong trabaho ang inaasahang malilikha kasunod ng pagdedeklara ng tatlong bagong Special Economic Zones sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kasabay nito ang inaasahang ₱3.03 bilyong pamumuhunan.

Saklaw ng mga ecozone ang Barangay Tambo sa Parañaque, mga Barangay Cabug at Maanas sa Medina, Misamis Oriental, at mga Barangay Bubuyan at Punta sa Laguna.

Nilagdaan noong Disyembre 16 ang Proclamation Nos. 1111, 1112, at 1113, batay sa rekomendasyon ng PEZA.

Layunin ng mga ecozone na makahikayat ng negosyo sa pamamagitan ng mga insentibo at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments