Nakompleto nang bigyan ng tulong pinansyal ang mga kwalipikadong residente sa Anda, na nawasak ang kabahayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Emong noong Hulyo.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development, nakapagtala ng 10,591 apektadong pamilya dahil sa bagyo habang umabot naman sa 7,174 ang naiulat na may napinsalang tirahan.
Sa ilalim ng unconditional cash assistance, tumanggap ng tig-P5,265 ang bawat benepisyaryo na nahati sa dalawang batch at sinimulang mabigyan noong Oktubre at ngayong Disyembre bago ang kapaskuhan.
Layunin ng tulong pinansyal na bigyan ng panimulang puhunan ang mga benepisyaryo upang makabangon mula sa pinsalang iniwan ng anumang kalamidad.
Sa Pangasinan, isa lamang ang bayan sa pinakaapektadong coastal island municipality na binayo ng Bagyong Emong na nagdulot ng malakas na hangin at pag-ulan dahilan upang umabot sa Signal No.4 ang itinaas na warning ng PAGASA.






