Higit 8.2M doses na mga bakuna, naiturok na sa ating mga kababayan

Umaabot na sa kabuuang 8,222,759 doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok sa ating mga kababayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito ay mula sa kabuuang 12,705,870 doses na mga bakunang dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,547,069 na health workers ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang nasa 1,059,574 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.


Sa mga senior citizen o A2 catergory, 1,968,185 na ang nakatanggap ng 1st dose at 542,647 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.

Sa hanay naman ng A3 category o may mga comorbidities, 2,048,150 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 509,739 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Nasa 497,685 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 8,174 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Habang 41,536 indigent population o mga mahihirap ang naturukan na ng 1st dose.

Sa ngayon, mayroon ng 6,102,625 ang naturukan ng 1st dose sa buong bansa habang nasa 2,120,134 na ang mga Pilipinong fully vaccinated.

Facebook Comments