Higit 8-K displaced OFWs sa Saudi, hindi pa rin nakakakuha ng kanilang claims

Nasa 8,500 na displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) pa sa Saudi ang hindi nakakakuha ng kanilang disbursement claims mula 2015 hanggang 2016.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na nasa 1,500 pa lang ang nai-release na unpaid wages and benefits.

Katumbas ito ng bilyong pisong naipalabas ng Saudi Arabia para na sinagot ng Royal Crown Prince.


Kaya naman magpa-follow up na aniya ang pamahalaan para sa para sa mga hindi pa nababayarang claims sa kalagitnaan ng Hulyo.

Matatandaang noong Oktubre 2022 nang matalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Crown Prince Mohammad bin Salman ang isyu na kung saan ay tiniyak ng crown prince na sasagutin nila ang financial settlement ng 10,000 OFWs.

Facebook Comments