Higit 8 milyon, rehistrado na sa National ID – PSA

Umabot na sa 8.4 milllion na Pilipino ang nakapagrehistro na sa Step 1 ng Philippine Identification System (PhilSys).

Sa ilalim ng Step 1 ng registration, kokolektahin ang demographic information magkakaroon naman ng scheduling appointments sa Step 2.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Dennis Mapa, malapit na nilang maabot ang kanilang target na siyam na milyong Pilipinong rehistrado sa PhilSys bago matapos ang taon.


Nakatakdang magsimula ang Step 2 sa January 4, 2021 kung saan magkakaroon ng validation ng supporting documents at pagkuha ng biometric information.

Sinabi ni Mapa na magpapatuloy pa rin ang Step 1 registration activities hanggang sa matiyak na ligtas na sa mga rehistrante na magtungo para Step 2 Registration.

Sakop ng Step 1 ng PhilSys ang mga mahihirap na pamilya sa 32 lalawigan.

Una nang sinabi ng PSA na target nilang maiparehistro ang nasa 92 milyong Pilipino pagsapit ng Hunyo 2022.

Facebook Comments