Manila, Philippines – Target ng Department of Tourism (DOT) na mahikayat ang 8.2 milyong turista na bumisita sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kumpiyansa silang maabot ang bilang na ito dahil taon-taon na tumataas ng labing limang (15) porsyento ang mga turista.
Aniya, sa kabila ng rehabilitasyon at temporary closures ng ilang top destinations tulad ng Boracay, mananatili pa ring reachable ang target dahil naghahanap ang mga turista ng iba pang mga destinasyon sa Pilipinas tulad ng Bohol, Siargao, La Union, Bicol maging Palawan.
Bukod dito, sinabi ni Puyat na makakatulong rin na makahikayat ng mga turista ang mga bagong bukas na paliparan sa bansa.
Facebook Comments