Lumahok na sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) ang nasa 81 pasyenteng may COVID-19 sa Pilipinas.
Layunin ng Solidarity Trial na makahanap ng epektibong gamot laban sa sakit kung saan nasa higit 100 bansa ang sumali.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga pasyente ay galing sa 24 na participating hospitals.
Sakop ng clinical trial ang pag-aaral at pananaliksik sa apat na posibleng gamot laban sa COVID-19. Ito ay ang investigational antiviral na Remdesivir, antimalarial drug na Chloroquine, antiretroviral drugs na ginagamit sa HIV tulad ng Lopinavir-Ritonavir, at Interferon.
Una nang sinabi ng DOH na nasa 500 slots ang inilaan para sa mga COVID-19 patients sa bansa para makasali sa nasabing clinical trial.
Facebook Comments