Higit 80-K na pasahero sa mga pantalan, naitala ngayong tanghali

Umabot na sa 84,864 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 46,856 ang outbound passengers at nasa 38,008 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 3,422 na tauhan sa 15 distrito nito.


Ininspeksyon din ng PCG ang 316 na barko at 723 na motorbanca bago bumiyahe.

Mananatili ang heightened alert ng PCG hanggang November 6, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong Undas.

Facebook Comments