Higit 80 kilo ng imported meat, nasabat sa NAIA

Aabot sa 84 kilo ng imported meat mula sa Japan ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).

Ayon sa BOC-NAIA, walang clearance at health certificate mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang naturang mga karne.

Isang pasahero ang nagdala ng meat products na bigong makapagpakita ng kaukulang import documents para matiyak na hindi ito kontaminado.


Ang pagkakakumpiska sa mga karne ay naganap sa gitna ng mga ipinatutupad na hakbang ng gobyerno para hindi makapasok ang African swine fever (ASF) sa bansa.

Naiturn-over na ang imported meat sa BAI-Veterinary Quarantine Services.

Facebook Comments