Sinampahan na ng kasong kriminal ang nasa 83 opisyal at indibidwal dahil maanomalyang pamamahagi ng emergency cash assistance sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 crisis, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa ika-siyam na weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nasa 408 indibidwal ang naghain ng reklamo mula nitong May 22, 2020.
Mayroon pang ilang indibidwal ang hindi pa nakakasuhan habang patuloy silang iniimbestigahan.
Mula nitong May 22, 2020, higit 17.5 million beneficiaries na ang nakatanggap ng cash assistance, katumbas nito ang 97.35% ng kabuoang bilang ng target households.
Una nang nag-alok si Pangulong Duterte ng ₱30,000 sa sinumang makakapagsumbong ng katiwaliang kinasasangkutan ng ilang local government official lalo na sa hindi maayos na paggamit ng pondong nakalaan sa cash aid program.