May magandang regalo ang 85 mga magsasaka sa Negros Occidental kahapon kasabay ng Araw ng mga Puso.
Ito ay matapos silang gawaran ng lupang sakahan ng gobyerno sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law.
Batay sa impormasyon ng Presidential Communications Office, aabot sa 46.44 ektaryang lupang pang agrikultura ang kabuuang naibigay ng Department of Agrarian Reform o DAR sa mga benepisyaryo.
Sa impormasyon ng PCO malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan ng mga magsasaka at sa food security agenda ng lalawigan.
Sa ulat pa ng DAR, tuloy-tuloy lamang ang pagtatrabaho nila upang mabigyan pa ang ibang miyembro sa programa ng mga lupang sakahan at iba’t ibang tulong batay sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Facebook Comments