Higit 80 truck ng basura, nahakot sa mga sementeryo sa Maynila sa nakalipas na limang araw

Umaabot sa 86 truck ng basura ang nahakot ng Manila Department of Public Service (DPS) sa Manila North at South Cemetery.

Ito’y mula noong October 28 hanggang November 1, 2023.

Katumbas ito ng 229 metric tons ng basura kung saan 50 truck ang nahakot sa Manila North na nasa 134 metric tons.


Umaabot naman sa 36 na truck ang nahakot sa Manila South Cemetery na nasa 95 metric tons.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas marami ang bilang ng mga nahakot na basura ngayong 2023.

Nabatid na noong 2022, nasa 62 truck ng basura na may katumbas na 148 metric tons ang nahakot kung saam 34 sa Manila North at 28 sa Manila South Cemetery.

Ayon sa Manila PIO, wala ng kasing Covid-19 restriction na ipinapatupad kaya’t lahat ay maaari ng bumisita sa mga sementeryo.

Facebook Comments