Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 870 ang naitalang aftershocks sa Leyte kasunod ng magnitude 6.5 na lindol.
Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist Myleen Enriquez – pinag-igting na nila ang kanilang mga pananaliksik para mapaghandaan ang sakunang dulot ng pagyanig ng lupa.
Sinabi naman ni Office of Civil Defense, National Capital Region (OCD-NCR) Director Romulo Cabantac – patuloy ang isinasagawang training ng kanilang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan at business sector para sa disaster preparedness.
Mahalaga rin ang family preparedness para maitaas pa ang awareness, conciousness at safety ng publiko.
Facebook Comments