HIGIT 800 BRO-ED SCHOLARS, 700 MAGSASAKA ,TUMANGGAP NG ALLOWANCE AT LIVELIHOOD ASSISTANCE

Nasa mahigit 800 BRO-Ed scholars at 700 magsasaka pa ang pinagkalooban ng kanilang allowance at livelihood assistance sa bayan ng Mallig, Isabela nitong Miyerkules, Oktubre 5, 2022.

Sinabi ni Governor Rodolfo T. Albano III na palaging handa ang pamahalaan panlalawigan ng Isabela na tumulong sa lahat ng mag-aaral ng probinsya.

Aniya ang tagumpay ng mga scholars na makatapos ng kanilang pag-aaral ay tagumpay din ng probinsya.

Samantala, sinabi din niya na maglalaan sila ng nasa P30,000 halaga ng financial assistance para naman sa mga tobacco farmers sa susunod na taon.

Mayroon ding higit 500 scholars at higit 200 tobacco farmers ang nabigyan ng allowance at tulong sa Burgos kahapon.

Kamakailan, nasa di baba ng 700 BRO-Ed scholarship at 60 na Tobacco farmers naman ang tumanggap ng allowance at livelihood assistance sa bayan ng Naguilian.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang may pinakamalaki at pinakamalawak na scholarship program sa Pilipinas na nagme-maintain ng may 15,000-16,000 bilang ng non-academic scholars sa buong bansa.

Facebook Comments