Higit 800 karagdagang kaso ng COVID-19, naitala ng DOH sa buong bansa

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 800 karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 891 ang madagdag na kaso ng COVID-19 habang mayroon namang naitalang 8,316 na gumaling at 4 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 20,292 ang aktibong kaso habang 448,258 na ang gumaling at 9,257 na ang kabuuang bilang ng namatay.


Base pa sa inilabas na advisory ng DOH, 11 laboratoryo ang hindi pa nakapagpasa ng COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong January 2, 2021.

Muling paalala ng DOH sa publiko na mag-doble ingat pa rin lalo na’t may posibilidad na tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw habang patuloy nilang inaalam ang epekto ng transmission ng virus matapos ang nagdaang holiday.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Dahil dito, umaabot na sa 12,892 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 911 ang nasawi at 8,387 naman ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments