Umaabot sa 842 na pasahero kabilang ang mga truck driver at helper ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Southern Tagalog Region.
Ito’y dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng Bagyong Gener at habagat.
Bukod sa mga pasahero, stranded din ang nasa 4 na vessel, 421 na rolling cargo at 5 motorbanca.
May dalawa rin vessel at walong iba pang motorbanca ang pansamantalang nakidaong o nakisilong para masiguro ang kaligtasan.
Nasa dalawang pantalan sa Eastern Visayas at siyam sa Southern Tagalog Region ang lubos na naapektuhan ang operasyon bunsod ng patuloy na pag-uulan.
Facebook Comments