Higit 8,000 Foreign Workers, ilegal na nagtatrabaho sa bansa

Pumapalo sa higit 8,000 Foreign Workers na karamihan pa ay Chinese ang ilegal na nagtatrabaho sa bansa, partikular sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.

Ito ang lumabas sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula nitong Hunyo.

Base sa datos, 8,371 ang nabistong illegal Foreign Workers 1,693 lamang dito ang nag-apply ng Alien Employment Permit o AEP.


Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, ang mga hindi nag-apply ay isinumite na nila ang pangalan sa Bureau of Immigration.

Mula nang pina-iral ang Joint Memorandum Circular on the Rules And Procedures Governing Foreign Workers, nabawasan na ang nabigyan ng Special Working Permit o SWP.

Halos 51,700 AEP ang naisyu, higit 70,000 Foreign Workers ang nagtatrabaho sa POGO kung saan higit 61,000 rito ay mga Chinese.

Facebook Comments