Umaabot sa higit 8,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa pagsimula ng Bagong Taon.
Sa datos ng PCG, nasa 8,355 ang bilang mga bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa.
Mula ito kaninang alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga kung saan 3,752 ang outbound passengers at 4,603 ang inbound passengers.
Nasa 1,864 na tauhan ang ipinakalat ng Coast Guard kung saan nakabantay ang mga ito sa 15 distrito ng PCG.
Umaabot rin sa 47 vessels at 107 motorbancas ang nainspeksyon ng PCG habang naka-monitor din sila sa sitwasyon ng mga pantalan sa buong bansa.
Matatandaan na nananatiling naka-heightened alert ang PCG hanggang January 7, 2023 upang masiguro ang pagbabantay sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong holiday season.