Higit 8,000 PNP sa Cagayan Valley, Fully Vaccinated- RMDU2

Cauayan City, Isabela- Aabot sa kabuuang 8,282 o 87.42% ng miyembro ng Police Regional Office 2 ang fully vaccinated kontra COVID-19, batay sa sa datos ng Regional Medical and Dental Unit 2 (RMDU2).

Sa inilabas na pahayag ng PRO2, nakatakdang makatanggap ng second dose ng bakuna ang nasa 1,182 na PNP members sa rehiyon maliban sa 10 tao na tumangging magpabakuna sa ilang dahilan.

Samantala, bumaba naman sa 16 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya kung ikukumpara sa naitalang bilang kahapon na umabot sa 25.


Dahil dito, umakyat naman sa 1, 567 ang confirmed cases habang nasa 1,549 naman ang mga nakarekober sa sakit at dalawa ang naitalang namatay dahil sa virus sa hanap ng PNP sa rehiyon dos.

Ayon naman kay PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan, sisikapin umano na mabakunahan ang lahat ng valley cops bago matapos ang taon.

Ikinatuwa naman ng heneral ang pagbaba ng bilang ng tinamaan ng virus sa hanay ng PNP sa rehiyon.

Muli naman nitong pinaalalahanan ang mga tauhan na sundin ang umiiral na polisiya kontra COVID-19.

Facebook Comments