Magpapakalat ng 8,400 na mga pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin ang seguridad sa mga kilos protesta ngayong Labot Day.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, pu-pwesto ang nasabing mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng protesta ng mga militanteng grupo.
Mayroon rin aniyang ipapakalat na emergengy response team, Counter Terrorism at Traffic Management Team.
Kasabay nito, nagpaalala si Eleazar na mahigpit nilang ipapatupad ang no permit no rally policy maliban sa mga freedom park.
Aniya, igagalang nila ang karapatang pantao ng mga magrarally pero kailangan aniyang sumunod ng mga ito sa batas para sa maayos na mga kilos protesta.
Facebook Comments