Umabot sa 8,300 na residente sa Alaminos City ang nakinabang sa healthcare services sa isinagawang malawakang medical mission mula February 24-27.
Kabilang sa mga pinilahang healthcare services ang libreng eye glasses, reading prescriptions, libreng konsultasyon, gamot, minor surgeries at physical therapy.
Sa ilalim ng isinagawang Mega Medical Mission, layunin na matugunan ang pangangailangang medikal ng mga komunidad sa Alaminos at makapagpagamot sa kabila ng hamong pinansyal.
Positibo ang mga residente na nakatulong ang aktibidad upang makapagpagamot at umaasa na muling mabenipisyuhan ng mga gantong uri ng libreng konsultasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







