Higit 8,000 trabaho, alok sa Labor Day Job Fair ng DOLE

Nasa mahigit 8,000 trabaho ang alok ng pamahalaan sa isasagawang 2023 Labor Day Job Fair sa SMX Convention Center ngayong Linggo, April 30.

Ayon sa Department of Labor and Employment – National Capital Region, isasagawa ito nang face-to-face habang mayroon din virtual job fair sa tulong naman ng JobQuest PH.

Dadaluhan naman ito ng aabot sa 150 na employers kung saan 25 dito ay mag-aalok ng trabaho overseas.


Kabilang sa mga trabahong pupuwedeng aplayan dito ay helper, cashier, kitchen crew, room attendant, customer service representative, company nurse at iba pa.

Maliban sa alok na trabaho, magkakaroon din ng one-stop ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng SSS, Pagibig, Philhealth, PSA, NBI at BIR.

Nagpaalala naman ang DOLE – NCR na magdala ng mga basic employment requirements tulad ng resume para sa mas mabilis na hiring process,

Facebook Comments