Higit 80,000 indibdwal, sumalang sa libreng mass swab test ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Umaabot na sa higit 80,000 na mga indibidwal ang sumailalim sa libreng mass swab testing na ikinasa ng pamahalaang lungsod ng Maynila simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 80,531 ang kanilang nai-swab test kung saan nasa 25,430 ang bilang naman ng mga nagta-trabaho na sumalang sa pagsusuri.

Bukod dito, regular ang pagsasagawa ng home swabbing sa iba’t ibang mga barangay sa siyudad bukod pa sa regular swab testing para sa lahat na idinaraos sa Quirino Grandstand, Delpan Quarantine Facility at Sta. Ana Hospital.


Tuloy-tuloy rin ang swab testing para sa mga public utility drivers, mall workers, hotel employees at market vendors sa lungsod.

Ang naturang libreng mass swab testing ay pinangungunahan ng Manila Health Department at ng anim na district hospitals ng lungsod.

Layunin ng libreng mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamamayan at matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments