Higit 80,000 indibidwal, naitalang naturukan ng booster shot sa Quirino Grandstand bago ang pagsasara nito

Pumalo sa higit 80,000 indibidwal ang naitalang sumalang sa pagbabakuna na isinagawa sa Quirino Grandstand bago ito tuluyang isara.

Sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot ng 87,844 ang bilang ng mga naturukan ng booster shot mula ng itayo ang drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand noong January 2022.

Nasa 43,165 na four-wheel vehicles rin ang sumalang sa nasabing pagbabakuna bago ito isara ngayong araw kung saan isa-isa ng iniligpit ng MDRRMO ang kanilang mga kagamitam.


Nagpasalamat naman si MDRRMO Director Arnel Angeles sa publiko lalo na ang mga sumalang sa pagbabakuna kung saan ang ilan nilang mga tauhan na nagsilbi sa 24/7 drive thru vaccination ay kanila munang pagpapahingahin bago muling bigyan ng assignment kung saan sila idedeploy.

Sa kasaluyan, patuloy ang ikinakasang first at second dose vaccination sa 44 na health centers at 4 na malls kung saan maaari din magpa-booster shot dito gayundin sa anim na district hospital.

Sa datos naman ng Manila local government unit (LGU), nasa 568,706 ang nakatanggap na ng first booster habang 22,282 ang naturukan ng second booster mula sa 1,710,235 na indibidwal na nabakunahan na ng second dose.

Facebook Comments