Higit 800,000 OFWs, napauwi ng OWWA magmula noong mag-umpisa ang pandemya

Simula nang tumama ang COVID-19 pandemic, umaabot na sa 820,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na posible pa itong tumaas o pumalo sa 1 milyon bago mtapos ang taon.

Ani Cacdac, ngayong Disyembre pa lamang ay inaasahan na nila na nasa 80,000 – 100,000 ang mga uuwing OFWs dahil nais nilang makasama ang kani-kanilang pamilya ngayong Christmas season.


Kaugnay naman sa pag-iingat ng ibang mga bansa laban sa Omicron variant ng COVID-19, ilang biyahe rin ng mga OFW ang naapektuhan.

Base aniya sa pinakahuling datos, nasa 2,000 hanggang 3,000 OFWs mula sa Saudi ang nananatiling stranded doon.

Sa United Arab Emirates naman aniya, mayroon pang mga nasa 1,000 hanggang 2,000 OFWs ang nananatili roon.

Ang pamahalaan naman aniya ay gumagawa na ng paraan upang matulungang makauwi ng Pilipinas ang mga stranded na OFWs.

Facebook Comments