HIGIT 800K NA HALAGA NG SOLAR LIGHTS PARA SA MGA LESS PRIVILEGED CONSUMERS SA PANGASINAN, HANDOG NG CENPELCO

Matagumpay na naipamahagi ng Non-Government Organization na Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO ang mga solar lights para sa mga residenteng lubhang nangangailangan ng pailaw sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay matapos isagawa ang Donation and Awarding Ceremony sa ilalim ng kanilang proyekto na Light A Home Project ng CENPELCO bilang handog sa mga residenteng nangangailangan ng pailaw sa kanilang mga tahanan at upang makatulong sa kanilang mga gastusin.
Kabuuang P840, 000 ang halaga ng mga ipinamahaging portable solar lighting systems kung saan ito ay mula sa mapagkakatiwalaang supplier ng Team Energy Foundation Inc.
Ang naturang proyekto ay may layuning mabigyan ng tulong ang mga kabahayan na walang halos kita o mga pamilyang walang maayos na pinansyal upang maibsan ang kanilang mga iniisip sa gastusin.

Dinaluhan ang naturang programa si Deanna Maningding na kinatawan ng Team Energy Foundation Inc. at mga Board of Directors ng CENPELCO.
Laking pasasalamat naman ng mga benipisyaryo dahil sa tulong na ito ay hindi na nila poproblemahin ang malaking binabayaran sa kuryente.
Nangako naman ang mga ito na aalagaan at gagamitin ng maayos upang matagal nila itong magamit. | #ifmnews
Facebook Comments